Wednesday, September 12, 2007

Back to "bf at gf" :(

Dahil wala namang nagbabasa nito, isasalaysay ko na..

Galing ako sa Baguio last Oct31 to Sept6.. Ang huling text na nareceive ko galing sa hunny ko ay nung Sept1 pa, telling me na hindi na sya makakasunod sa Baguio. Tapos ayun simula nun, hindi na ko nakareceive ng msg ni hani-ho. Buong stay ko sa baguio, iyak ako ng iyak. Nag-eenjoy naman ako pero saglit lang, tas naaalala ko na ulit na hindi man lang ako (namimiss?) naaalala ng boyfriend ko. Ang sakit sakit lalo na't yung mga kasama mo dun ay hindi magkanda ugaga kattxt sa mga loved ones nila. TAPOS AKO, naglalaro nalang sa fone at nakikipag textmate kay 222.

Pag uwi ko, sinadya ko talagang maglakad sa may mcdo. And yes, gulat na gulat sya sa pagdating ko. Hindi nya alam kung kelan ako uuwi. Kitang kitang ko yung reaction ng mukha nya. Nakakagalit. at NAKAKAIYAK.

Sinalubong naman nya ko pag pasok sa Mcdo, pero dahil hindi ko alam kung pano makikipag-usap pagkatapos kong umiyak ng LIMANG araw, ang nasabi ko nalang ay, "BAKIT HINDI ka nagtetext?" at ang sagot na, "WALA KASI AKONG LOAD."

Hindi ko na alam pagkatapos, parang nawala na ko sa sarili ko. Naglakad nalang ako papunta sa table ng mga friends, at sya bumalik na din sa barkada nya. MASAKIT. :( im expecting na isasagot nya sakin dun sa tanong ko ay yung bang mapagagaan yung loob ko. Yung makakapag pawala at mapapalitan yung limang araw kong iyak.

Hinintay ko syang lumapit sakin pero wala. To the point na ako na yung makikipag-usap. Tinetext ko at kung anu ano pa pero walang response. Nag monthsary kami ng hindi nagkikita, nag celebrate ako mag-isa. Binati nya nga ako nung eve before the day, pero ramdam ko. . .

PARANG 2WEEKS na akong naiyak hanggang ngayon,

nagpatulong na ko sa bffs kong si seph kasama si lia at molly. Makikipag usap na ko. Hindi ko na kayang mag isip, umiyak sa hindi maintindihang dahilan, maniginip ng masaya tapos pag gising ko hindi pala. Nakakapagod.

Nag usap kami, hinintay ko na talaga sya sa labas ng room. AT AYUN,

dumating na nga ang inaasahan ko. Narinig ko nanaman yung hindi ko alam at ewan ko. Tinapos na namin. Masakit SOBRA pero kailangan, hirap na ata sya. Ganun din ako.

Sinabi ko nalang na bumalik kami sa dati, yung bf ko at si gf. yung lokohan lang. yung date lang sa greenwich na wala lang. Hindi ko kayang biglain ang sarili ko.

Siguro masyado ngang naging mabilis ang lahat. 2 and a half months na ligawan. (April 20 hanggang June 26 to be exact), MU kami nung June 26-July 6 (11 days) at naging kami nung July 7, 2007. At ngayon, wala na. Sept 12. :(

Hindi ko alam kung panong iyak ang gagawin ko. SOBRAng SAKIT. First boyfriend ko. :( ngayon babalik na ako sa naiwan kong mundo. Parang tumigil ang lahat nung dumating sya sakin. Hahabulin ko lahat ang naiwan ko, kahit mahirap.

*Para kay mykel: Hunny ko, i will never forget you. I will never regret the days, that 2 months we're together. Ang saya saya. Noon lang ako naka feel ng ganun. Yung feeling na yun, nadarama ko lang yun pag kasama lang kita. I LOVE YOU SO MUCH. :(

Now, I'm just looking forward to the continuation of our friendship that had ONCE stepped into that shit damn yet HAPPY and unexplainable higher level.

Eto ang first love...

First love ko........

1 comment:

Oolalai said...

Ang kire-kire naman nitong entry na to. Pero sabagay, basta. Nung tinatype ko yan. Grabeh. Hahaha. Perslab nga naman.